Sa gitna ng pinakamagarbong selebrasyon sa Cebu City ng Sinulog Festival, tuluy-tuloy ang pagsasanay ng mga future stars ng ALA Gym para sa nalalapit nilang laban sa Pebrero.

Nagpakitang gilas sina “Prince” Albert Pagara, Mark “Magnifico” Magsayo at Kevin Jake Cataraja na nagsagawa ng kanilang public workout noong Linggo sa Gaisano Country Mall car park sa lungsod.

Nakatakdang sumabak sina Pagara, Magsayo at Cataraja sa Pinoy Pride 35 - “Stars of the Future” sa Waterfront Hotel and Casino sa Pebrero 27 bilang maiden boxing event ng ALA Promotions ngayong taon..

Dapat sanang makakaduwelo ng 21 anyos na Pagara si dating world champion Juan Carlos Sanchez Jr. sa main event subalit nagkaroon ng contractual problems ang Mexican sa kanyang handlers kaya napuwersa ang ALA Promotions na maghanap ng pamalit kay Sanchez.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala, magsasalpukan naman sina Magsayo at Mexican Eduardo Montoya sa main supporting bout habang hindi pa nabanggit ang makakatunggali ni Cataraja.

Nakasama ni Pagara sa kanyang two-round sparring session ang mas malaking si Arjan Canillas, hinarap ni Magsayo si Elmo Traya at nagpasiklab sina Cataraja at Christian Bacolod sa kanilang public sparring. (Gilbert Espeña)