Palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang tunay na motibo sa pagpapakamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW), na nakitang nakabigti sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Wala nang pulso nang matagpuan ni Arman Madrona si Gilbert Luces, 35, ng Block 1, Lot 20, Phase 2, Area 3, Kaunlaran Village, Barangay Longos ng nasabing lungsod, habang nakabitin ang katawan nito sa loob ng sariling silid pasado 10:00 ng gabi.

Gumamit ng lubid si Luces at itinali iyon sa bakal na poste ng pintuan.

Kuwento ni Madrona, napansin niya na bahagyang nakabukas ang pintuan ng bahay ng kaibigan kaya nagpasya siyang silipin ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Laking gulat niya nang makita si Luces na nakabigti at dali-dali siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay para maibaba ang huli sa pagkakabigti.

Bago ang insidente, nakita pa ang binata na may ka-chat sa internet.

Nabatid na nag-iisa lang ang OFW sa kanilang bahay.

Sa report naman ng Scene on the Crime Operatives (SOCO), walang indikasyon na may foul play sa insidente. - Orly L. Barcala