Ni REGGEE BONOAN

NAG-POST si Maja Salvador ng litrato ni Paloma, ang karakter na ginagampanan ngayon ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na may caption na, “Apir Paloma, kinabog mo lahat! #AngProbinsyano” at “’Yung mas maganda pa si Coco Martin kaysa sa ‘yo.”

Kaya tinanong namin si Maja nang makita namin sa isang dinner noong Sabado ng gabi kung hindi siya nai-insecure kay Paloma. “Natatawa nga ako, hindi ko pa siya nakikitang naka-Paloma, sa litrato lang at napapanood ko. Wala kasi kaming eksenang magkasamang naka-Paloma siya kaya hindi ko alam ang sasabihin ko.”

Pero aminado si Maja na maganda nga raw si Coco. “Oo, kasi pati legs niya, ‘no, ang kinis.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ini-enjoy ng aktres ang papel niya bilang policewoman sa Ang Probinsyano at thankful din siya dahil hanggang sa Hulyo pa ito eere.

“Oo nga, ang saya, pero ang kontrata ko kasi sa Probinsyano ay hanggang Pebrero lang, madali naman ‘yun,” ani Maja.

Bakit, may ibang serye ba siyang natanguan? “Wala naman.”

Pero mukhang may pelikulang gagawin si Maja dahil napangiti siya nang tanungin namin tungkol dito at ayaw pa raw niyang magkuwento dahil baka ma-preempt.

Kumusta naman ang puso ng dalaga ngayon? “Heto single pa rin, masaya,” sagot agad niya.

Mukhang totoong enjoy si Maja sa pagiging single dahil nagagawa niya ang gusto niyang gawin at marami siyang kaibigang kasama kapag lumalabas at sana mapansin niya ang aktor na matagal nang may crush sa kanya lalo na’t nakakasama rin niya ito kung minsan sa gimikan.