Nababahala ang Philippine Sports Commission (PSC) na posibleng hindi maisagawa ngayong taon ang ikaanim na sunod na edisyon ng Batang Pinoy-Philippine National Youth Games dahil sa epekto ng 2016 national election sa Mayo 9.

Sinabi ni PSC National Games head Atty. Ma. Fe “Jay” Alano na nakahanda na ang mga potensiyal na host ng mga isasagawang qualifying leg sa Luzon, Visayas at Mindanao pati na sa national championships matapos na makausap ng ahensiya ang nagnanais na mga local government unit (LGU).

“Our concern now is, kung may sasali ba o ipapadalang mga atleta at gagastusan ng kani-kanilang mga LGU ang kani-kanilang delegasyon,” sabi ni Alano.

Ayon kay Alano, gustong-gustu ng mga nilapitan nitong probinsiya na maisagawa sa kanilang lugar ang kada taon na Batang Pinoy subalit pare-pareho ang komento ng mga posibleng host hinggil sa posibilidad na kakaunti o limitado lamang ang makakasali dahil sa posibleng kawalan ng suporta mula sa mga liderato ng bawat LGU.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Their main comment is baka walang makasali sa mga atleta na umaasa sa suportang makukuha mula sa kanilang mga LGU dahil sa nalalapit na eleksiyon,” sabi pa niAlano.

Samantala, nakatakdang ihayag ng PSC, kasama ang Philippine Olympic Committee (POC), ang mga pangalan ng mga napili nitong kampeon sa ginanap na 2014 Batang Pinoy National Championships sa Cebu na ipapadala nila sa Children of Asian International Sports Games sa Russia.

Ayon kay POC grassroots sports development chairman Romeo Magat, sasali ang Pilipinas sa 12 mula sa 28 sports na paglalabanan sa unang pagpapadala nito ng delegasyon sa kompetisyon na bubuuin ng 20 hanggang 24 na atleta. (Angie Oredo)