CAPAS, Tarlac – Dahil hindi nadakip sa mga unang beses na nagnakaw sila ng mga huling isda, muling nambiktima ang dalawang magnanakaw ng isda, sa isang fish pond sa Barangay Talaga, Capas, Tarlac, subalit naaresto na sila ng mga pulis-Capas sa pagkakataong ito.

Kakasuhan ng theft sina Jerby Mata, 27; at Domingo Gatuc, 45, ng nasabing barangay matapos nilang lambatin ang maraming tilapia at hito mula sa naturang fish pond.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Arthur Alzadon, aabot sa limang tonelada ng isda ang tinangay ng mga suspek noong nakaraang taon. (Leandro Alborote)
Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril