ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Bisitahin ang old projects at i-evaluate ang iyong work performance. Magiging judge ka today sa competency ng iba.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Magpapakahusay ka para ma-perfect ang isang proyekto na matagal mo nang pinagsisikapan. Hindi ka papalpak, promise!

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Magpapatuloy hanggang sa gabi ang limitations at restrictions sa ‘yo ng pagkakataon. Maaga kang makakatulog sa sobrang pagod.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Perpekto ang umaga ng Sabadong ito para tapusin ang important talks. Hihingin mo ang payo ng iyong partner at ng isa pang tao na inirerespeto mo ang opinyon.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Walang promise ng optimism ang araw na ito. Bubusisiin mo ang details ng isang bagong project na ipinagkatiwala sa ‘yo.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Dead end. ‘Yan ang pangangambahan mo, at mararamdaman today. May responsable sa lahat ng desisyon mo.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Magpapaka-busy ka sa isang secret activity. May kinalaman sa responsibility at confidentiality ang lahat mong gagawin.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Patitibayin mo ang iyong professional affairs, gayundin ang iyong friendship connections. Magtatanggal ka ng mga bagay at tao na hindi na mahalaga.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Ito ang concerns mo today: Discipline, duty, at performance. Matutong mag-focus para maging madali ang lahat.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Naghihintay sa ‘yo ang pre-planned success, kaya congratulations! Mare-realize mo na ang successful partnership ang pinakamahalaga sa trabaho.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Magagawa mong makumpleto ang sangkatutak na tasks na itatambak nila sa ‘yo. Ihanda ang isangb fat check mark.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Magiging kapuna-puna sa ‘yo ang alienation at absence ng iyong partner. Marami kang hindi maiintindihan sa mga nangyayari sa paligid mo.