Nalusutan ng defending champion Emilio Aguinaldo College ang matinding hamon ng San Beda College sa isang dikdikang 5-sets, 25-19, 25-20, 22-25, 22-25, 15-9, kahapon sa kanilang Final Four match upang pormal na umusad sa finals ng men’s division ng NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Pinaulanan ng Generals ang Red Lions ng 51 hits, 27 dito ay galing kay reigning MVP Howard Mojica na nagposte rin ng 3 blocks at 1 ace para sa kabuuang 31 puntos upang pangunahan ang ikalawang sunod na pagsalta ng kanilang koponan sa finals.

Bitbit ang bentaheng twice-to-beat, papasok ng semis makaraang pangunahan ang eliminations, sinamantala rin ng Generals ang pangit na reception ng Red Lions (29-14) para magposte ng 9 na service aces kumpara sa 2 ng huli.

Hihintayin na lamang ng EAC, na nakakuha rin ng 13 at 10 puntos mula kina Israel Encina at Keith Meliza, ayon sa pagkakasunod, ang magwawagi sa isa pang semis pairings tampok ang University of Pepetual Help at College of St.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Benilde para siyang makatunggali nila sa finals.

Nagtapos namang topscorers para sa Red Lions, na pumang-apat ngayong season, sina Gerald Zabala na may 12 puntos at Alfie Mascarinas at Kenneth Gonzales na may tig-11 puntos.

Nauna rito sa juniors division, kapwa dinispatsa ng reigning champion Junior Altas at ng second seed EAC Brigadiers ang kani-kanilang mga nakatunggali upang maitakda ang kanilang pagtutuos sa finals.

Tinalo ng Junior Altas, sa pamumuno ni Darwin Salopaso na umiskor ng 17 puntos, ang San Sebastian College, 25-23, 24-26, 14-25, 25-13, 15-10, para umusad sa kampeonato.

Winalis naman ng Brigadiers ang nakaharap na Arellano Braves, 25-23, 25-20, 25-21 sa pangunguna ni Cee-Jay Hicap na nagposte ng 16 puntos upang maitakda ang pagtutuos nila ng EAC sa juniors championship.

Nawalan ng saysay ang game-high 27 puntos ni Carl Justin Berdal dahil nagkasya lamang ang Staglets sa fourth place habang nagtapos namang topscorer para sa Arellano si Jesus Valdez na may 12 puntos. (MARIVIC AWITAN)