CAMP MACABULOS, Tarlac City — Isang baka ang kinatay ng mga magnanakaw habang nakapastol sa Sitio Ligaya, Barangay Santiago, Concepcion, Tarlac.

Ang hayop ay pag-aari ni Larry Galvan, 37, ng nabanggit na barangay.

Dakong 9:00 ng umaga nang ipinastol ni Galvan ang kanyang baka sa madamong bahagi ng Sitio Ligaya at pagkatapos ay nagtungo siya sa bukirin.

Pagbalik niya dakong 2:00 ng hapon ay nawawala na ang kanyang baka. Natagpuan niya itong pira-piraso ang katawan at tinangay ng mga magnanakaw ang dalawang hita ng hayop. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog