Kung papabayaan ng PBA na maglaro ang mga tinaguriang “Bad Boys” ng liga, naniniwala si Gilas Pilipinas head coach at Talk ‘N Text consultant Tab Baldwin na maibabalik ang sigla ng mga fans.

Ayon kay Baldwin, alam ng mga lehitimong pisikal na players kung hanggang saan ang maari nilang gawin at kung papayagan ang mga itong ilabas ang kanilang laro ay magdudulot ng karagdagang excitement sa liga.

Ilan sa mga binanggit na pangalan ni Baldwin ay sina Beau Belga ng Rain or Shine at Ryan Arana ng San Miguel Beer, na sa tingin ng American coach ay makakapigil pa nga sa posibilidad na lumala ang sakitan sa loob ng court.

“You knew they were out there as an enforcer and, everybody knew there were boundaries and if you crossed those lines, those guys we’re gonna bring the game back into the alignment correctly,” ani Baldwin “They weren’t castigated for that. They weren’t seen as guys that didn’t belong in the game. They weren’t kicked out of games.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Paniwala ni Baldwin, hindi lubos na naiintindihan ng marami ang mga laro ng tinaguriang “basketball enforcers” na kung tutuusin ay walang intensyon na manakit ng kapwa manlalaro.

“I think we’ve taken away the right of the physical player to introduce the real tough aspect to the game which I think is an important entertainment factor,” pahayag ni Baldwin. “They play clever, tough, basketball like Chris Tiu. Chris is one of the most clever players in the PBA and now he’s being neutered almost in his ability to use his cleverness.”

Sa huli ay ipinapaubaya na lamang ni Baldwin kay newly-appointed commissioner Chito Narvasa ang desisyon pagdating sa kung paano ang magiging tawagan ng mga referees sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.

“I think he has all the say right now because he is determining what the referees interpretations are going to be,” pahayag ni Baldwin. (DENNIS PRINCIPE)