TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Napigilan ang pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) makaraang agad itong maitimbre sa pulisya nang mamataan sa ilalim ng isang tindahan sa national highway ng siyudad na ito, kahapon ng umaga.

Agad namang rumesponde ang Tacurong City Police, kasama ang bomb-sniffing dog ni PO3 Jaymar Buenacosa at natukoy na IED ang nasabing pampasabog.

Mabilis na kinordon ng pulisya ang lugar at sa pamamagitan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Philippine Army ay hindi na nakapinsala ang bomba.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang indibiduwal o grupo na responsable sa insidente. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito