NEW YORK (Reuters) – Kinondena ni New York Mayor Bill de Blasio noong Linggo ang panggagahasa sa isang babae ng limang lalaki sa isang playground sa Brooklyn, nangako ng mabilis na pagkakaaresto sa mga suspek sa “vicious crime.”
Sinabi ng pulisya noong Sabado na naghalinhinan ang kalalakihan sa paggagahasa sa 18-anyos na babae sa isang playground ng New York City Parks Department sa Brownsville section ng Brooklyn dakong 9 p.m. noong Huwebes.
Tinutukan ng baril ng isang lalaki ang ama ng babae at inutusan siyang umalis.
Nang makaalis ang ama, ginahasa nila ang babae. Tumakas ang mga suspek nang magbalik ang ama kasama ang dalawang pulis.