SAN CLEMENTE, Tarlac - Isang katiwala sa Northern Builders ang nahaharap ngayon sa kasong qualified theft matapos nitong tangayin umano ang 32 supot ng semento na nasa construction site ng Barangay Nagsabaran sa San Clemente, Tarlac.

Kinilala ni SPO2 Rey Paningbatan Fabros ang kinasuhan na si John Eric Aguilar, 28, binata, ng Bgy. Bagon, Gerona, Tarlac.

Napag-alaman na ang mga sementong tinangay umano ni Aguilar ay nagkakahalaga ng P10,000.

Sinabi ni Johnmel Angeles, 22, security guard, na nakita niya umano ang pagnanakaw ni Aguilar sa semento na kaagad ipinaalam kay Vic Angeles, may ari ng Northern Builders, na nag-report naman sa pulisya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hindi na nabawi sa suspek ang nasabing mga supot ng semento. (Leandro Alborote)