pba photo page 16 copy

Laro ngayon

Araneta Coliseum

5 p.m. San Miguel Beer vs. Rain or Shine

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Fajardo, makayanan kaya ang pagiging babad sa laban?

Hindi ang pagkabigo noong Game Two ang pinoproblema ni San Miguel Beer coach Leo Austria sa pag-usad ng kanilang best-of-7 semifinals series ng Rain or Shine, na bumaba na ngayon sa best-of-5 series makaraang itabla ng huli ang serye sa 1-1 para sa 2016 PBA Philippine Cup, kundi ang kalusugan ng reigning MVP na si Junemar Fajardo.

Sa pagtutuos nilang muli ng Elasto Painters sa Game Three ngayong 5:00 ng hapon sa Araneta Coliseum, malaking katanungan kung muling ibabad ang Cebuano slotman na nagtala ng 40 minuto na average sa naunang dalawang laban.

“I’m really worried about Junemar,” pahayag ni Austria pagkatapos ng Game Two noong Huwebes ng gabi.”I don’t want him to play longer, but the situation needed him,” ani Austria kaugnay sa back-to-back MVP na may naiposteng 37 puntos at 17.5 rebounds sa unang dalawang laro ng series.

Gayunman, nahahati ang damdamin ni Austria dito dahil naroon din ang kanyang paniniwalang hindi dapat alisin sa loob ng court si Fajardo dahil ito ang kanilang pangunahing sandata kontra sa kanilang katunggali.

“He’s the problem of our opponent , so bakit mo aalisin ang threat nya,” wika ni Austria.

Sa kabilang dako, dahil aminadong si Fajardo talaga ng nagpapasakit ng kanilang ulo, nagbanta naman si ROS coach Yeng Guiao na talagang pahihirapan nila ang 6-foot-10 center.

“We have to keep Junemar (Fajardo) working. We have to make life difficult for him,” pahayag ni Guiao.

“If this series goes to a Game 7, we’ll give him hell for 7 games,” ayon pa kay Guiao. “The longer this series goes, the better it is for us. Pahihirapan talaga namin sya , kasi yun lang yung chance namin e.”

Sa pagkakatabla ng series, nakasinag ng mas malaking pag-asa si Guiao para sa kanilang tsansa na umusad sa kampeonato. “Now we’re starting all over again, it gives us confidence that we can lead SMB by 25 points, it gives us confidence that we have a chance in this series.”

Masusubok ngayon kung mapapangatawanan ng Rain or Shine ang sinasabing pagpapahirap kay Fajardo sa tangka nilang maunahan ang Beermen sa serye ngayong kailangan na lamang ng magkabilang panig ng tig-tatlong panalo para makausad sa kampeonato.

Malalaman din kung paanong mabibigyan ng kaukulang suporta ng kanyang mga kakampi si Fajardo upang manatili itong malakas at palaban sa kabuuan ng serye. (MARIVIC AWITAN)