ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Stressful ang araw na ito tungkol sa mga plano mo sa mga biyahe at meetings. Sa communication magkakaproblema, agapan mo agad.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Sa usapin ng negosyo, matutong magtiwala, pero matuto ka ring mag-verify. Pagdating ng hapon, mag-ingat in dealing with exact numbers and other precisions.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Madaling araw ang most inspiring at most successful period para sa ‘yo. Magiging tensiyonado ka naman mamayang gabi.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

May new hopes at good news today. Pagsususpetsahan ang isang taong malapit sa ‘yo.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Iwasang magsayang ng oras ngayong Sabado. Get connected sa good friends at loved ones para maging positibo ang araw na ito for you.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Ideal ang araw na ito para magkaroon ng arrangements for medical treatments, o mag-asikaso ng dokumento sa isang government agency.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Buo pa rin ang kumpiyansa mo sa iyong lucky star, at siyempre pa, sa iyong personal talents.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Magkakaroon ng confusion sa mga dokumentong aasikasuhin mo today. Huwag masorpresa kung kakailanganin mo itong i-submit uli.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Maging marespeto at mapagpasensiya sa maghapon para maiwasan ang banta ng away pagsapit ng gabi.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Kung ayaw mo ng unnecessary problems, kumpletuhin na ang lahat ng tasks sa umaga pa lang.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Lucky ka today, dahil in demand ang talents mo. Maiirita ka sa ilang maliliit na problema, pero malulusutan mo itong lahat, worry not.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Humanap ka ng paraan para maging steadily positive ngayong Sabado, dahil mahaharap ka sa minor obstacles na magpapawala sa balanse mo.