STO. TOMAS, Batangas - Patay ang isang negosyante matapos umano siyang pagbabarilin habang nakikipag-meeting sa kanyang staff sa loob ng Junction Inn Mansion Hotel na pag-aari ng kanyang pamilya, sa Sto. Tomas, Batangas.

Hindi na nalapatan ng lunas sa St. Frances Cabrini Hospital si Jussein San Juan, 37, tubong Tanauan City at residente ng Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Ayon sa report ng grupo ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 10:45 ng umaga noong Lunes at nakikipag-meeting si San Juan sa kanyang staff sa lobby ng hotel nang lapitan siya ng suspek at nagpakilalang guest sa Room No. 12.

Nakasuot ng abuhing T-shirt, sunglasses at head gear ang suspek na bigla na lang bumaril sa biktima, gamit ang isang .45 caliber pistol.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tumakas ang suspek sakay ng tricycle.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng awtoridad ang motibo sa krimen habang pinaghahanap pa ang suspek. (Lyka Manalo)