SYDNEY (AP) — Naiahon na ng pulisya ang bangkay ng dalawang maliit na bata at isang lalaki na pinaniniwalaan na kanilang ama sa isang kotse na maaaring sinadyang imaneho hanggang sa mahulog sa isang pier sa timog ng Australia.

Sinabi ng South Australia state police na iniulat ng mga saksi na mabilis ang takbo ng kotse pababa sa wharf sa lungsod ng Port Lincoln noong Lunes ng umaga at lumalabas na sinadya itong ihulog sa pier. Agad na lumubog ang puting station wagon sa 30 metrong (100 feet) tubig.

Natagpuan ng mga police diver ang bangkay ng lalaki at ng mga bata sa loob ng lumubog na kotse makalipas ang anim na oras.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'