TAGAYTAY CITY, Cavite – Isinailalim ng Cavite Provincial Commission on Elections (Comelec) at Cavite Police Provincial Office (PPO) ang dalawang lungsod at isang munisipalidad sa election watch list.

Matapos ang pulong nina Comelec Supervisor Atty. Juanito Ravanzo, Jr. at Cavite PPO acting director Senior Supt. Eliseo Cruz, tinukoy na nasa ilalim ng election watch list ang Trece Martires City, Bacoor City, at Rosario.

Nilinaw naman ni Ravanzo na hindi pa maikokonsiderang election “hot spots” ang tatlong nabanggit na lugar.

(Anthony Giron)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito