CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Patay ang isang 57-anyos na tricycle driver matapos siyang masagasaan ng isang Isuzu Forward dump truck sa karambola sa national highway ng Purok 2, Barangay Busay sa Daraga, Albay, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)5, ang nasawi na si Jimmy Ortega y Quinto, ng Bgy. Cabangan, Camalig, Albay.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaproblema sa makina ang Isuzu Forward dump truck na minamaneho ni Ricardo Nabesa, Jr. y Republica, 48, ng Ligao City, habang binabaybay ang national road ng Bgy. Busay, at sinuro nito ang Suzuki tricycle na minamaneho ni Angelo Belaro y Lucila, 37, ng Malabog, Daraga; ang Isuzu jeep ni Aziel Dairo y Acuña, 28, ng Legazpi City; ang tricycle ni Ortega; at ang Toyota Revo ni Genly Lopez y Lozanes, 60, ng Daraga, Albay.

Sinabi ni Calubaquib na nasagasaan si Ortega ng dump truck matapos siyang mahulog mula sa tricycle, habang dinala naman sa ospital dahil sa matinding injuries ang isa pang tricycle driver na si Angelo Belaro y Lucila.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Niño N. Luces)