Coco & Julia copy

“SINA Julia (Montes) at Coco Martin na ba? Matagal na ba sila?” 

Ito ang mga katanungan sa amin ng mga kaibigan at kaanak naming nakapanood sa interview ni Vice Ganda kay Primetime King sa Gandang Gabi Vice ilang linggo na ang nakararaan.

Bukod daw kasi sa pambubuking ni Vice na may girlfriend na si Coco pero ayaw niyang pangunahan ay si Julia ang pinili ng aktor nang tanungin kung sino kina Maja Salvador, Bela Padilla at Julia ang pipiliin ng bida ng Ang Probinsyano.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Parati kasing sinasabi ni Coco na hindi pa puwedeng ligawan si Julia kasi baby pa o bata pa, pero iisa ang alam ng lahat, si Julia na nga iyon dahil 20 years old lang at 36 naman ang aktor, kaya siguro hindi pa nila maamin.

O baka sadyang ayaw pang aminin ng dalawa para may mystery pa rin at kiligin ang mga tao at higit sa lahat, may kanya-kanya kasi silang ka-love team ngayon.

Samantala, matinding pagluluksa ang dinanas ni Julia bilang sina Kara at Sara noong araw ng Pasko sa pagkamatay ng kanilang amang si Antonio (Allan Dizon) sa seryeng Doble Kara.

Dahil sa pagkamatay ng asawa, lalo pang tumindi ang galit ni Carmina Villaroel sa kambal kaya hindi nito hahayaang masilayan ang kanilang ama sa huli nitong hantungan sa kabila ng kanilang pakiusap.

Huwag palampasin ang teleseryeng doble sa ganda, Doble Kara, tuwing hapon sa ABS-CBN. (Reggee Bonoan)