WASHINGTON (AFP) – Binati ni Steve Harvey, ang lalaking naiputong ang Miss Universe crown sa maling kandidata, ang mundo ng masayang Easter celebration—noong Pasko.

“Merry Easter, y’all!” ang caption sa litrato ng nakangiting si Harvey, habang nagsisigarilyo at naka-senyas ng “peace”. Ipinaskil ang litrato sa mga social media account ng talk show host-comedian nitong Biyernes.

Idinaan ni Harvey, 58, sa pagpapatawa ang una niyang paglabas sa publiko matapos ang kontrobersiyal na pagkakamali niya nang ideklara niyang nanalo ang first runner-up na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez, kaya naiputong muna sa huli ang korona bago kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ng Pilipinas.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo