DIYARBAKIR, Turkey (AFP) — Isang tatlong buwang sanggol at ang kanyang lolo ang namatay nang maipit sila sa bakbakan ng Turkish security forces at ng Kurdish rebels, sinabi ng mga medic noong Linggo.
Ang sanggol na si Miray ay tinamaan sa ulo nang paulanan ng bala ang kanilang bahay sa Cizre noong Biyernes ng gabi sa bakbakan ng Turkish forces at ng mga rebeldeng Kurdistan Workers’ Party (PKK).
Binaril naman ang kanyang 73-anyos na lolo, si Ramazan Ince, habang binubuhat si Miray patungo sa ambulansiya, sinabi ng mga saksi. Namatay ang dalawa sa ospital.