BIMBY copy

NAIKUWENTO ni Kris Aquino sa intimate interview sa kanya ng entertainment press para sa Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema na All You Need is Pag-ibig na utmost concern niya ngayon ang health niya. Nadiskubreng kamakailan na may high blood pressure siya, kaya next year, mukhang matutuloy na ang pagbabawas niya ng work load para hindi na madagdagan ang sakit at maging healthy para sa mga anak.

Nabago na ang food intake ni Kris, mostly fruits and vegetables na ang kinakain, kaya maraming fruits siyang inihanda sa interview niya with the press.

“I gave up dairy na rin, iniiwasan ko na ang milk and I switched to soy milk. Once a week na lang ako kumain ng lechon na comfort food ko and every three days na lang ako puwedeng mag-eat ng pork at steak,” pagbabalita ni Kris.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napansin din niya na ‘pag nagsu-shooting o nagti-taping siya na umaabot ng 1 AM, tumataas ang BP niya, kaya she makes it a point na mas agahan ang pack-up niya. ‘Pag hindi siya napupuyat, 110/75 lang ang BP niya. Anyway, hindi nabanggit ni Kris kung isinauli niya sa leading man niyang si Derek Ramsay sa All You Need is Pag-ibig ang painting ng malungkot na babae na inayawan, pero may hiningi siyang kapalit noon.

“Nag-ask ako ng sketch na hubad siya, may eksena siya sa Coron, Palawan na hubad siya, ‘yun na lang ang ibigay niya sa akin. Sabi ko, idi-display ko sa powder room ng new house ko. He asked me, ‘are you serious?’” tawa nang tawang kuwento ng Queen of All Media.

Sabi ni Kris, mag-iimbita uli siya ng press ‘pag nakalipat na sila sa bagong bahay. Kapag nangyari ‘yun at naimbitahan uli kami, tatanungin namin siya kung ibinigay ni Derek ang sketch na hinihingi niya. Baka puwede ring makita! (NITZ MIRALLES)