ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Mareresolba ang isang matagal nang legal dispute. Makakahinga ka nang maluwag at mae-enjoy mo ang Noche Buena mamaya.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

May matagal nang hindi mo nakikita ang biglang susulpot sa pintuan mo at babati ng ‘Merry Christmas!’. May good news siyang dala.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Mahalaga sa’yo ngayon ang iyong reputation at ang opinion ng iba sa’yo. Huwag masyadong harsh, Pasko naman.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Bigla kang mai-inspire, pero may masamang balita na di-distract sa’yo. Kain ka na lang ng marami sa Noche Buena mamaya.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Huwag gawing sosyal ang pinaplanong vacation with loved ones. Piliin mo na lang ang isasama, ‘di kailangang magastos ka.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Guilty ka sa isang bagay kahit nakumpleto mo naman ang Simbang Gabi. Huwag mo nang isipin ang mga bagay na hindi mahalaga.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Magpapaka-busy ka today sa communication. Pili lang ang kakausapin mo sa hapag-kainan mamaya, pero mae-enjoy n’yo ang masarap na food habang nagkukuwentuhan.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Punumpuno ka ng energy kaya magiging successful ang lahat ng pinaplano mo. Mapapagastos ka, pero okay lang. Pasko naman!

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

May peligrong kahaharapin, ngunit hindi mo ito mapapansin dahil sa sobrang happiness ng occasion.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Maganda ang araw na ito para sa self-education. Pagpapabuti pa rin ng sarili ang target mo kahit magpa-Pasko na.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Hindi realistic ang statement na wala kang poproblemahin ngayon. Anyways, i-enjoy ang company ng iyong friends at family, at siyempre, ang Noche Buena salu-salo.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Kung decent at noble naman ang iyong goal, walang dapat ikatakot. May ma-accomplish ka pang kabutihan before the clock struck twelve.