SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Isang malalim na saksak sa ibaba ng kaliwang tenga ang ikinamatay ng isang 24-anyos na binata mula sa nakaalitan niya sa paglalaro ng “kuwaho” sa Sitio Ubbong, Zone 2, Barangay Camanasacan sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Supt. Nolie Asuncion, kinilala ang biktima na si Magno Aducol y Santiago, residente ng nasabing lugar na pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang naglalaro ng kuwaho.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Crisostomo Rivera, dakong 4:30 ng hapon, kasama ng biktima ang kanyang live-in-partner na si Ederlina Cando Aquino at limang iba pa nang dumating ang suspek at pinagsasaksak ang biktima. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog