IMG_7768 copy

PARA hindi na gawing isyu kung nagpagawa siya o hindi ng kilay at eyelashes, ipinost na ni Kris Aquino ang picture niya habang nilalagyan siya ng eyelashes extension. Parang nauna nang inayos ang kilay niya.

As usual, mixed reactions ang followers ni Kris sa kanyang thank you post na, “May confidence na to go out na powder, blush & lipstick na lang because I now have kilay & lashes.”

May nagandahan pero may hindi rin pabor dahil may masama raw epekto at kung anu-ano pang kaek-ekan gayong hindi naman nila katawan. Ang importante, masaya si Kris sa kanyang “Alindog Program” at ‘wag nang makialam.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napapansin din namin sa followers ni Kris sa Instagram (IG), ‘pag may sakit siya , playing doctors sila at kung anu-anong medications ang ipinapayo. Kung susundin ‘yun lahat ni Kris, tiyak na lalong lulubha ang sakit niya.

Magaling na si Kris at may boses na uli, kaya nakapag-dubbing na siya ng MMFF entry niyang All You Need is Pag-ibig. Natuloy din ang pagpunta niya sa Baguio para sa taping ng KrisTV at baka makapag-guest pa sa ASAP today to promote their movie dahil sabi niya, buong cast ang maggi-guest.

Ang patuloy pang umaani ng reaksiyon sa IG followers ni Kris ay ang ipinadalang lechon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Kahit hindi binanggit ni Kris kung sino ang nagpadala ng kanyang “comfort food” nahulaan agad dahil sa ibinigay niyang clue.

As expected, may negative reaction ‘yung mga ayaw kay HB para kay Kris at may natuwa rin naman. Oo nga naman, puwede namang friends lang ang dalawa at walang masama kung pinadalhan si Kris ng lechon ng “friend” niya.

Samantala, muling pumasok si Kris sa Top 10 Individual Taxpayers for 2014. Number six siya sa listahan at umabot sa P54, 530,635 million ang binayaran. Sila lang ni Manny Pacquiao (number 2) ang celebrity sa Top 10. (NITZ MIRALLES)