Nahaharap na naman sa panibagong plunder case sa Office of the Ombudsman si dating Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay dahil sa umano’y maanomalyang kontrata sa dalawang kumpanya ng information technology (IT) na aabot sa P828 milyon noong 2008.

Ito ay matapos magsampa ng naturang kaso ang dating barangay chairman na si Renato Bondal na nagsabing kabilang sa inirereklamo niya ang mga stockholder ng dalawang IT firm na sinasabing dummy ni Vice-President Jejomar Binay. Ang mga ito ay sina Hirene Lopez, asawa ni Tomas Lopez ng Powerlink.com Corp.; at Marguerite Lichnock, asawa ni Gerardo Limlingan ng Codeworkds.Ph Inc.

Paliwanag ni Bondal, nabigo ang dalawang IT company na maibigay ang kanilang serbisyo dahil ang kanilang trabaho ay ginagawa ng mga kawani ng Urban Development Department (UDD).

“Ang munisipyo ng Makati ay kumukuha ng IT service provider, dati tagalabas. Pero ngayon nakaisip silang kumuha o gumawa ng sarili nilang kumpanya at ‘yun mismo ang binibigyan nila ng kontrata,” paliwanag ni Bondal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang masaklap doon, ang gumaganap sa mga trabaho ng mga IT service provider na ito ay ‘yung mga empleyado rin mismo ng City Hall ng Makat,i ‘yung sa Urban Development Department. Samakatuwid, walang ginawa itong mga kumpanyang ito kundi maningil ng P828 milyon hanggang 2014,” ang bahagi ng kanyang reklamo.

Tiniyak din nito na mayroon silang testigo mula sa UDD na maaaring magpatibay sa mga alegasyon ni dating Makati City Vice-Mayor Ernesto Mercado. (Rommel P. Tabbad)