Pam_JPEG copy

Habang ang kanilang mga katunggali ay nagpalakas at naghandang mabuti sa pamamagitan ng paglahok sa iba’t-ibang mga malalaking liga, may malaking problema ang University of Santo Tomas (UST) sa kanilang kampanya para sa darating na UAAP Season 78 volleyball tournament na nakatakdang magbukas sa Pebrero.

Hindi na makakalaro para sa Tigresses ang beteranong hitter na si Pam Lastimosa. Naghahangad pa naman ang UST Tigresses na maibalik ang korona sa Espana.

Nagtamo si Lastimosa ng Anterior Cruciate Ligament injury sa kanilang ensayo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasalukuyan itong sumasailalim sa therapy at walang katiyakan kung makakaya nitong maka-recover ng maaga.

“Malaki talagang kawalan para sa amin si Pam,” ani UST coach Kungfu Reyes.

Dahil sa pagkawala ni Lastimosa, sasandalan ng Tigresses para pangunahan ang kanilang kampanya sina Carmela Tunay at Ennajie Laure.

Bukod kina Tunay at Laure, nariyan din ang iba pang mga beterano ng koponan na may misyong tapusin ang 6-year title drought ng Tigresses sina Jessie de leon, Cherry Rondina, Chloe Cortez at Ria Meneses. (Marivic Awitan)