SARAH AT MATTEO copy

AYON kay Matteo Guidicelli, napapansin niya ang malaking pagbabago ng kanyang kasintahang si Sarah Geronimo.

Sa mga kinikilos pati na sa mga pangangatwiran at sa mga desisyon na maging independent o makapagpasya para sa sarili o sa buhay na gustong tahakin, may nakikitang malaking pagbabago kay Sarah si Matteo.

“Well, I guess it’s her age also. She’s 27 na at dapat ganyan na hindi na siya 15, hindi na siya 18. She’s 27, and kahit wala naman ako du’n, siya talaga ‘yun, eh. Kumbaga, panahon din niya, eh,” lahad ni Matteo nang makausap namin.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

May mga nagsasabi na nasa tamang panahon ang pagpasok ni Matteo sa buhay ni Sarah Geronimo. Dumating daw siya sa buhay ni Sarah sa panahong nagma-mature ito.

“I guess everything happens for a reason. We don’t know why, but things happen for a reason, and nangyayari lang ‘yung mga bagay without us expecting. Ganu’n talaga ‘yung buhay, eh,” sey pa ni Matteo.

Pero inamin naman ni Matteo na hindi pa rin naman ganoon ka-smooth ang takbo ng relasyon nila. Hanggang ngayon daw ay may mga pinagdadaanan pa rin sila.

“Alam naman niya ang totoo, eh. We shouldn’t be brainwashed or affected with mga ganyan, eh,” sey pa niya.

Tungkol sa mga magulang ni Sarah, lalung-lalo na sa ina nito na si Mommy Divine, wala naman daw problema si Matteo.

“In our relationship naman talaga, kailangan dalawang effort, eh. Hindi lang puwedeng ikaw o ako. The relationship’s working because of both of us, because we work hard at it. Ang relationship namin ni Sarah, kahit bago pa lang, malakas. No one can bring us down,” matatag ang loob na sabi pa ni Matteo sa amin. (JIMI ESCALA)