Pinalad na makaligtas sa tiyak na kamatayan ang director ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Region 4-A matapos siyang paulanan ng bala ng nag-iisang suspek sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna, kahapon ng umaga.

Kinilala ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang nasugatang opisyal na si DILG-Region 4-A Director Renato Brion.

Nabatid na agad na naisugod sa ospital si Brion at mabilis na nalapatan ng lunas ang mga tinamong daplis ng bala sa katawan.

Mariin namang kinondena ng DILG ang pananambang sa opisyal, sa harap ng regional office ng kagawaran, dakong 7:35 ng umaga kahapon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inatasan na ni Sarmiento ang Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang insidente at tukuyin ang motibo at mga suspek sa likod ng tangkang pagpatay kay Brion.

Nabatid na nakatakdang magretiro si Brion sa mga susunod na buwan makaraan ang ilang dekadang pagseserbisyo sa kagawaran.

Dating director ng DILG-National Capital Region, si Brion ay kilalang eksperto sa local governance.

(JUN FABON at CZARINA NICOLE ONG)