Super Ace School Van (photo for BROOM BROOM) copy copy

BINANSAGANG “mga bagong bayani,” marami pa rin sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang blangko ang isipan kung paano nila palalaguin ang pinaghirapang salapi.

Matapos makapulot ng aral sa maling paggastos sa kanilang kinita mula sa ibang bansa, tulad ng pagbili ng magagarang sasakyan, appliances, at palamuti sa katawan, mas marami na sa kanilang hanay ang naging wais sa pag-invest ng kanilang naipong salapi sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kung pamilyar kayo sa mga investment seminar na iniaalok sa mga OFW, marahil ay nasagap n’yo rin ang payo sa benepisyong makakamit sa pamamagitan ng pagbuhos ng puhunan sa mga sasakyang pang-negosyo.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

At dito umarangkada ang Tata Motors Philippines sa moderno at matibay na Super Ace light commercial vehicle nito na patok para sa iba’t ibang negosyo.

Ang Tata Super Ace LCV ay maaaring i-convert bilang delivery van, employee shuttle, mobile store o school bus.

Kargado ng maliit subalit malakas na 1.4-liter turbocharged at intercooled Eco-Diesel engine, maaari itong magkarga hanggang sa bigat na isang tonelada.

Masarap imaneho dahil may 5-speed manual transmission at mayroon itong maximum power rating na 70 horsepower at maximum torque na 135Nm.

Matibay ang kaha, stable sa kurbada, ang Super Ace LCV ay mayroong simple subalit presentable na interior amenities na makapagbibigay ginhawa sa driver at mga pasahero habang naiipit sa matinding traffic.

Mayroon itong HVAC o heating ventilation & air-conditioning, power window, power steering, USB compatible entertainment, laminated windscreen at external power socket, na rito maaaring mag-charge ng cell phone kasabay ng pagbiyahe.

Anim na body configuration ang maaaring isalpak sa Super Ace LCV depende sa uri ng negosyo na nais pasukin ng may-ari nito.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Super Ace (Cab and Chassis) - standard retail price (SRP) P550,000; Super Ace “Big Boy” passenger van (single AC), P683,000; Super Ace “Big Boy” passenger van (dual AC), P725,000; Super Ace Drop Side Load Body, P625,000; Super Ace aluminum van, P632,000; at Super Ace school service (dual AC), P834,000.

(ARIS R. ILAGAN)