DAVAO CITY – Ang mga paglabag sa karapatang pantao na sinasabing ginawa ng presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, batay sa pahayag kamakailan ng Amnesty International (AI) sa London, ay lumang isyu na ng paulit-ulit na kasinungalingan, sinabi kahapon ng tagapagsalita ng alkalde.

“Parang sirang plaka,” post sa Facebook ng tagapagsalita ni Duterte na si Peter Tiu Laviña.

Sinabi ni Laviña na inuulit-ulit na lang ng AI ang mga kasinungalingan tungkol sa umano’y mga paglabag ni Duterte sa karapatang pantao.

“Hanggang sa ngayon, walang anumang kaso na isinampa laban sa long-time Davao mayor, maliban na lang siguro ngayong election season, na naghahanap ng maikakaso ang mga detractor niya para sirain ang kanyang magandang pangalan.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpahayag nitong Lunes ng pagkabahala ang AI kaugnay ng pagkaka-ugnay ni Duterte sa vigilante group na Davao Death Squad, at sa plano ng alkalde na ibalik ang death penalty kung maihahalal na pangulo sa 2016.

“Minsan, gusto ko nang isipin na ginagamit ng AI si Duterte bilang poster boy sa fund-raising efforts nila sa Europe at US. Paanong taun-taon na lang nila itong ginagawa kapag nanghihingi sila ng tulong o donasyon para sa kanilang adbokasiya?” ani Laviña.

Sinabing mas marami pang kaso ng pag-abuso sa karapatang pantao sa Europe at Amerika partikular sa mga minorya at migrante, iginiit ni Laviña na si Duterte ang “favourite whipping boy” ng AI.

“AI has a favorite whipping boy to focus their work on. Broken records have its rightful place in our garbage bin.

AI is dishing out trash,” aniya. (ALEXANDER D. LOPEZ)