ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Punung-puno ng enthusiasm ang araw na ito for you. Handa ka sana hanggang sa magdamagang happiness.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Tamad ka today. ‘Di makabubuting umako ng maraming trabaho, dun ka lang sa magagaang tasks. Check mo rin kung mayroon ka pang peace of mind pagsapit ng gabi.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Umaatikabong daldalan at harutan ang in store for you today. Enjoy mo lang, walang chance na ikaw ay kakabagan.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

‘Di mo maa-accomplish ang lahat ng tasks ngayong Martes. Okay lang ‘yan, bumawi ka na lang bukas.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Nasa relaxing mode ka sa umaga, pero magiging busy ka na after lunch time. Don’t worry, kayang-kaya mo lahat.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Maaayos na ang isang gusot sa isang family member. Sa susunod, huwag nang pagtagalin ang alitan.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Problemado ka maghapon. Ang pangangailangan mo ng instant decisions ay mapipigilan ng iyong common sense at analytical skills. Congrats!

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

This is the day para sa short break, mental distraction, at pagkumpleto sa lahat ng trabahong nakaatang sa’yo. Try mong pagsabay-sabayin.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Malaya ang umaga. Pero hectic na ang schedule mo pagsapit ng gabi. At least naiba ang routine.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

May negative sentiment na babagabag sa’yo. Pero magiging maayos na ang lahat pag-uwi mo sa bahay. Iba talaga ang effect ng pamilya sa katinuan.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Priority mo today ang iyong special someone. May tendency kang um-absent sa trabaho, o mag-cancel ng meeting makasama lang siya. Sweet!

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Inspiration—ito ang key work of the day para ma-accomplish mo ang lahat ng kailangang ma-accomplish. May sisimulan kang bagong project.