SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Tatlong katao ang napatay sa dragnet operation ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office (PRO)-3 Intelligence Division at Science City of Muñoz Police na nauwi sa engkuwentro nitong Sabado ng umaga sa Barangay Palosapis sa bayang ito.

Ayon kay Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Science City of Muñoz Police, walang makita sa mga gamit ng tatlong nasawi para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong 11:45 ng gabi nang harangin at tutukan ng baril sina Melvin Saturno, ng Bgy. Villa Nati; at Regino Gonzales, ng Bgy. Catalanacan, kapwa ng Science City of Muñoz, at tinangay ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Kaagad na nai-report nina Saturno at Gonzales sa awtoridad ang insidente kaya mabilis na nakaresponde ang pulisya hanggang sa nagkaroon ng shootout na ikinasawi ng mga suspek. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?