'It's Showtime' hosts copy

ISANG ABS-CBN insider ang nakakuwentuhan namin last Thursday sa Kia Theater habang ginaganap ang taped as live PMPC Star Awards for TV (ipapalabas tonight sa Sunday’s Best ng Channel 2) at kinumpirma niya sa amin na may malaking pagbabagong magaganap sa It’s Showtime sa February.

“May malaking reformat na magaganap sa show. May ire-retain at meron din naman siyempreng mawawala sa show. Pero depende pa rin ‘yun sa mangyayari between now at sa pagpasok ng taon,” sey ng source na staff ng Showtime.

Dagdag pa niya, sa ngayon daw kasi ay unti-unting naibabalik ang saya sa hosts ng Showtime dahil tumataas na uli ang kanilang ratings. Kumbaga, bumabalik na ang kanilang regular viewers.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Sana na magtuluy-tuloy,” sey pa ng source.

More than seven years na ring tumatakbo sa ere ang naturang programa sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Atienza at marami pang iba. Kaya sabi ng kausap namin, hindi naman masama kung babaguhin ang format ng show.

“Sina Vice naman, eh, kitang-kita n’yo naman na nag-eenjoy pa rin sa show kahit na ano pa ang ratings nito. Ang sa kanila, eh, makapagpasaya ng mga tao, maibigay nila kung ano man ang kailangan ng regular viewers. Kumbaga, ibinigay namin ang anumang makakaya namin para sa kanila,” sey ng kausap namin.

Aminado siya na naapektuhan ang It’s Showtime ng kasikatan ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza. Pero mabilis daw namang nagbabago ang taste ng mga manonood.

“Sikat ka ngayon, eh, bukas makalawa, eh, may iba na namang sumisikat. Kumbaga din naman, ang katapat din namang show, eh, nakaranas din naman na parang taas-baba rin sila sa ratings. So far naman sa ngayon, eh, unti unti na rin naman kaming bumabalik,” sey pa sa amin.

Dagdag pa niya, kahit pinag-uusapan sa lahat ng dako ang AlDub, hindi naman daw naramdaman ng hosts ng It’s Showtime na talo na sila, huh! (Jimi Escala)