ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Mapapaaway ka ngayong araw, sa isang kapamilya o sa significant other mo. Puwede mo pa rin namang ma-survive ang araw na ito. Have faith.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Umuugong ang intriga sa workplace. Huwag munang magpa-assist sa kanila, or else ikaw ang mabibiktima.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Sa sobrang katuwaan mo na muling maka-bonding ang loved ones, mapupuruhan ang wallet mo. Kung may bibilhin, bilanging mabuti ang sukli.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Stressful day ito for you. Kailangan ng mahaba-habang pasensiya para iwas trouble. Sisiw lang sa’yo ang business problems today.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Problemado ang mga transaksiyon ngayon. Magkakaroon ng misunderstanding, pero andun pa rin ang mutual respect.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Eto ang warning sa’yo today: Argumento, scandals, away, at may hiwalayan pang kumpleto sa pagbabalibag ng pintuan. At least may warning ka.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Kadaldalan mo ang iyong enemy, may kataliman ang dila mo. Dedma na lang sa aggressiveness ng iba kung ayaw mong mapaaway. Smile!

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

May newcomer na magkokontrabida. Hayaan mo lang. Ingat din sa dangerous adventures sa labas ng bahay.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Pasaway ang mga bata sa paligid today. No problema, mahaba ang pasensiya mo.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Tambak ang work load mo today. Kayang-kaya mo, punumpuno ka naman ng energy.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Passionate debater ang peg mo ngayon. Medyo mawawalan ka nga lang ng kontrol. Okay lang ‘yan, basta huwag ka magmumura.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Huwag munang makikipag-transaksiyon sa usapin ng finances. Re-sched mo na lang para mas siguradong papabor sa’yo ang situation.