Itinakda ng korte sa susunod na taon ang bail hearing sa kaso ng magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Mayor Mario Reyes, ang mga suspek sa pagpatay sa environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.

Ito ay kasunod ng pagsisimula ng pre-trial hearing ng dalawa na itinuturong utak sa nasabing krimen na nangyari noong 2011.

Gayunman, tiwala ang pamilya Ortega na mananalo sila sa kaso matapos silang magsumite ng mga ebidensiya at dokumento na magdidiin sa magkapatid na Reyes.

Sa pagdinig nitong Biyernes, agad na nagsumite ng counter-affidavit ang kampo ng Reyes brothers.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dito, ibinasura ng korte ang apela na ilipat ng kulungan ang magkapatid.

Beth Camia