ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Maiirita ka today sa familiar stereotypes. Magtrabaho nang may “ready for anything and everything” attitude. Magkakaroon ng pagbabago sa health o pagpapagamot mo.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Kung hindi maganda ang kutob mo sa offer, mag-ingat ka. Una, parang mahirap gawin; pangalawa, hindi mami-meet ng resulta ang iyong expectations.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Magkakaroon ng malaking pagbabago sa iyong career o family affairs. Kung isinilang sa kalagitnaan ng June, sobra kang maaapektuhan kaya pairalin ang self-control at composure.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Madi-disappoint ka sa mga ideya o tao na dating hinahangaan mo. Huwag mawawalan ng loob, lahat ng nakapaligid sa’yo ay unstable, at iilan lang ang tumutupad sa promise at may pinaninindigang prinsipyo.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Ngayon, ikaw ay marespeto, masuwerte at peace-loving. Pero, hindi ganito ang atmosphere sa paligid mo. Maging alerto sa mga biglaang alitan.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Sa anumang partnership, mas mainam nang ikaw ang umaako ng responsibilities; kung hindi magugulat kang ikaw na naman ang gagawa. Bibiguin ka ng mga pinagkakatiwalaan mo sa panahong ‘di mo inaasahan.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Kung posible, huwag nang isama ang medical appointment sa schedule mo ngayon. Kung ‘di maiiwasan, mag-ingat sa pakikisalamuha sa medical staff members na ‘di mo close. Umiwas muna sa mga gamutang may kinalaman sa kuryente at likido.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Sosorpresahin ka ng isang mahal sa buhay, na magpapaikot sa mga plano mo nang 360 degrees. Huwag mabahala, pabor sa’yo ang magiging mga pagbabago.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Hindi ito ang iyong lucky day—mabibigo ang halos lahat ng plans mo at mabubuwisit ka. ‘Di ka tuloy makaka-focus sa trabaho.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Minsan suwerte, minsan malas. Ang mahalaga, you will maintain your cool, kaya dedma ka na lang.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Silipin ang iyong wallet o bank account. Kailangan mo na sigurong kumita nang extra.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Wala kang kakuntentuhan ngayong Sabado. Gusto mong maging malaya uli—sa lahat ng bagay. Ayan, pabigla-bigla ka kasi magdesisyon. Huwag ganun!