Isang 14-anyos na babae ang hinalay umano ng kanyang manliligaw na sinundo siya sa eskuwela matapos magboluntaryong ihahatid siya sa bahay sa Ramon, Isabela.

Ayon sa report ng Ramon Police, arestado ang suspek at manliligaw ng biktima na si Julius Castillo, 25, ng Bgy. Libertad, Echague, Isabela.

Ayon sa pulisya, dakong 5:00 ng hapon nitong Disyembre 2 at naghahanda nang umuwi ang dalagita nang makatanggap siya ng text message mula kay Castillo na nagsabing susunduin siya sa eskuwela at ihahatid sa bahay.

Sumakay ang dalawa sa motorsiklo, hanggang mapansin ng dalagita na iba ang daang tinatahak ng motorsiklo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabila ng pagpipilit ng dalagita ay tuluy-tuloy na pinaharurot ng suspek ang motorsiklo hanggang huminto sila sa isang damuhan sa Sitio Bayabat sa Bgy. Raniag sa Ramon, at doon ginahasa umano ang dalagita. (Liezle Basa Iñigo)