KRIS BERNAL copy

UMANI ng maraming likes ang picture na ipinost ni Kris Bernal sa Instagram (IG) na kuha sa Puzzle Gourmet Store & Cafe at may hawak siyang “I love Someone with Autism.”

Ang Puzzle Gourmet Store & Cafe ay nasa pangalan ni Jose Aloysius Canoy na may autism, itinayo ang store ng parents bilang paghahanda sa kanyang future sakaling wala na ang mga ito. Natuturuan din si Jose kung paano makitungo sa ibang tao at maging pasensiyoso.

Part pa rin siguro ng immersion ni Kris sa role niyang may intellectual disability sa Little Nanay ang kanyang pagpunta sa Puzzle Gourmet Store & Cafe. Dagdag na kagaanan nga naman kung hindi lang sa script magdedepende si Kris sa kanyang role para mas maging makatotohanan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ikatutuwa tiyak ni Kris at ng buong team ng Little Nanay ang magandang feedback na nakukuha ng teleserye ng GMA-7 mula sa acting ng cast at sa takbo ng story. Hindi mabigat ang treatment ng writers at ni Direk Ricky Davao, kaya hindi stressful manood nito.

“Tinay” na pala na karakter ni Kris sa Little Nanay ang tawag sa kanya ngayon at sa mga nababasa naming comments sa social media, love na love ng viewers si Tinay at ang buong cast ng light hearted series. (Nitz Miralles)