Namatay ang isang foreman matapos saksakin ng kanyang kapitbahay na inawat nito sa paghuhuramentado sa Caloocan City, noong Martes ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Necasio Atibagos, 28, ng Upper Tawi-Tawi, Barangay 181, Pangarap Village ng nasabing lungsod sanhi ng saksak sa dibdib.

Kalaboso naman ang suspek na si Porferio Fuentes, alyas Dodong, 49, sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis.

Ayon kay SPO3 Ryan Rodriguez, dakong 9:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa harap ng bahay ni Atibagos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May hawak na patalim ang lasing na si Fuentes at naghahamon ito ng away.

Dahil kakilala, lumabas ng bahay ang biktima at pinayapa ang nagwawalang suspek, pero mas lalo pa itong nagalit at sinugod ng saksak ang una. (Orly L. Barcala)