ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Communication ang strength mo today. Mas interesante para sa’yo ang informal sources kaysa official news. Opinionated ka ngayon.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Bubulagain ka ng isang problema sa hinaharap—handa ka man o hindi. Sana handa ka.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Trouble-free ang maghapon mo, hanggang mamayang gabi. ‘Di ka rin malulungkot, dahil tinulungan ka ng isang kaibigan. Marunong lang silang tumanaw ng utang na loob.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Maiimpluwensiyahan ng mga karaniwang tao, malalapit na kaibigan, at ilang officemates ang pag-iisip at pagkilos mo today. Huwag ka munang magsisimula ng anumang proyekto.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Sa araw na ito, napakahalaga ng reputasyon, kilos at personality mo. Pili ka, ipakikita mo ang totoong ikaw, o ang gusto nilang maging ikaw?

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Busy ka ngayon sa mga bagay na nagbibigay sa’yo ng sobrang happiness. Hassle-free rin sa trabaho. May baguhan na hihingi ng tulong, huwag kang magdadamot.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Araw ito ng pahinga mo, lagi ka na lang kasing busy. Subukang mag-relax, pero huwag sosobra sa sarili mong limitations.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Tahimik at masaya ang bungad ng araw na ito sa’yo. Mainam ang maglagi malapit sa puno, o makipag-bonding sa mga tunay na kaibigan.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Ideal ang araw Huwebes na ito to practice what you preach. Mabilis mong matatapos ang mga trabaho dahil sa nag-uumapaw na inspiration.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Punumpuno ng pag-aanalisa ang maghapon mo. Pero gaya ng dati, ‘di mo maipapatupad ang mga analysis na ito sa sarili mong buhay. What’s new?!

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Nakaasa ka na lang lagi sa kuwento ng happiness ng iba. Lagi ka na lang listener. Baka gusto mo nang mag-move on.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Huwag aapurahin ang mga pending na gawain, baka magkamali ka n’yan. Pero mas okay kung matatapos mo ang proyektong matagal mo nang ipinagpapabukas.