sarah-geronimo-012 copy

SADYANG malayo na ang narating ni Sarah Geronimo sapul nang magwagi siya sa Star For A Night singing contest noong 2003. Mula sa pagiging magaling na singer ay pinatunayan ni Sarah ang kahusayan niya bilang stage performer at maging sa pag-arte.

Iilan na lamang ang major singers tulad ni Sarah na nagtatanghal sa malalaking venue tulad ng Smart Araneta Coliseum o MOA Arena.

Kamangha-mangha ang suporta ng kanyang loyal fans na walang sawang tumatangkilik sa concerts ng Pop Priness sa loob ng maraming taon.

Agad na-sold-out ang concert niyang From The Top na gaganapin sa Smart Araneta ngayong Dec. 4 at 5. Pagpapatunay lang ito na kaya niyang makipagsabayan sa foreign acts na walang patlang ang dating sa ating bansa.

Lifehacks

Ilang tips para pokus ulit sa trabaho o pag-aaral matapos ang Holy Week break

Ang From The Top ay ikawalong major concert ni Geronimo at produksiyon ng Viva Live, Inc., kasama ang ABS-CBN as official TV partner, mula sa direksiyon ni Paolo Valenciano at ni Louie Ocampo as musical director. (REMY UMEREZ)