ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Maganda ang araw na ito para sa ambitious ideas and plans for the future. Puwede ring dedmahin mo na lang ang maliliit na isyu, at mag-focus sa magpo-produce ng malalaking pagbabago sa buhay mo.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Kung tantiyahan din lang ng dami ng gawain ang labanan, ‘di tamang lingunin mo pa ang past. Step forward. Kung gusto mo’ng umunlad professionally, huwag mong limitahan ang sarili mo sa lumang mga konsepto.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Ideal ang araw na ito para magbiyahe, simulan ang iyong post-graduate studies, at sumali sa isang spiritual, humanitarian o religious society. Kung nasa lugar kang unfamiliar sa’yo, umasa sa kabutihan ng puso ng kapwa.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

The best ang araw na ito para sa banking transactions. Maduduwag kang sumugal, pero sa umpisa lang ‘yan. Kikita ka sa pag-i-invest ng pera sa charity, sa pambihirang scientific experiment, o sa isang bonggang international project.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Ang matinding karismang taglay mo ang iyong nag-iisang weapon today. Nasa panig ng kalaban ang moral strength at moral superiority, so doble ingat. Pansamantala kang nilubayan ng suwerte.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Magiging masaya ka kung bibigyan ka ng pagkakataong gawin ang love mo. Sa pagkakataong ito, ‘di ka na magdadalawang-isip na layasan ang boring routine mo. Lalapitan ka ng suwerte kung kakaiba ang trabaho o negosyo mo.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Mae-enjoy mo today ang panonood ng stage play, o pelikula sa sinehan, o sa pagtambay sa photo studio, o makibahagi sa isang independent creative event. Yakagin mo ang iyong mga anak para mas enjoy ka.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Inspiring para sa’yo ang pakikihalubilo sa pamilya. Ang inyong mga pinaniniwalaan ang maglalapit sa inyo. Titindi pa ang iyong patriotism; pambihira talaga ang pagmamahal mo sa pamilya.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Teacher. ‘Yan ang role mo today. Pangungunahan mo silang lahat. May posibilidad din na makilala ang isang potential lover sa maiiksing biyahe ngayong araw.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Nangangati ka na bang mag-shopping? ‘Eto na ang perfect day para maglustay nang malaking halaga, o magsagawa ng electronic transfers.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Ang mga gagawin mo ngayon ay guided ng iyong moral o religious beliefs. Puwedeng bumilib ka sa sarili mo, sa isang katrabaho, o sa isang personalidad na ‘di mo personal na kakilala. Timbang-timbangin ang mga desisyon sa buhay sa nakalipas na taon.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Ililihim mo sa lahat ang iyong primary goals sa buhay, ngunit handa ka namang magsalita sa tamang tao na ilang taon mo nang pinagkakatiwalaan. Subok mo na siya!