CEBU CITY – Muling bumida ang mga taga-Cebu bilang board topnotchers, makaraang anim na Cebuano ang napabilang sa top 10 ng Licensure Exam for Teachers (LET) noong Setyembre.

Sa elementary level, nanguna sina Toni Rose Fabila, Lester Ochea, at Ric Roland Tordillo ng University of Cebu—naghati naman ang Lapu-Lapu at Mandaue sa ikaapat, ikaanim at ikasiyam na puwesto sa iskor na 86%, 85.6%, at 85%, ayon sa pagkakasunod, habang si Lordiel Miasco, ng Cebu Normal University (CNU), ay nasa ikasampung puwesto sa 84.80%.

Sa secondary level, nakakuha sina Anna Maria Gracia Ingcog at Christopher Cabanog, kapwa taga-Cebu Normal University, ng 88.20% at 88%, ayon sa pagkakasunod at pumuwesto sa ikawalo at ikasiyam na puwesto.

(Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!