Daniel, Korina, Kathryn at Mar copy

HINDI lang si Daniel Padilla kundi maging si Kathryn Bernardo o ang KathNiel ang sumusuporta sa pagtakbo for president ni Mar Roxas sa 2016 elections.

May picture ang KathNiel kasama sina Mar at Korina Sanchez sa Instagram (IG) account ni Korina at ang caption ay, “#Kathniel is for Mar!”

Sinundan pa ‘yun ni Korina ng, “Teen King and Queen Daniel Padilla and Kathryn Bernardo for Mar Roxas for President in 2016 #DaangMatuwidPaMore.”

Human-Interest

'Nakabalot pa!' Grade 10 student, si 'Crush' natanggap na exchange gift

Iba-iba ang reaction ng bumisita sa IG ni Korina at nakakita ng picture ng KathNiel supporting Mar. May pumupuri sa kanila, pinapalakpakan sila at nangakong iboboto ang kanilang sinusuportahan.

Mayroon din namang hindi natutuwa sa KathNiel at may nagtatanong kung allowed si Kathryn na sumuporta ng kandidato bilang isa siyang kasapi ng Iglesia ni Cristo. Hanggang sinusulat namin ang item na ito, pinagdidiskusyunan pa rin sa IG ni Korina ang tungkol dito ng INC at non-INC members. (Nitz Miralles)