CITY OF ILAGAN, Isabela – Arestado ang apat na big-time drug pusher matapos silang masakote sa serye ng buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at City Peace and Order Council sa siyudad na ito.

Kinilala ni Supt. Manuel B. Bringas ang mga naaresto na sina Roberto Ancheta, Chester Jeff Domalanta, John Alfon Azurin, at Robert Clive Reniedo, pawang taga-Ilagan City, at nagsasagawa umano ng kanilang operasyon sa mga kalapit na bayan at lalawigan.

Sinabi pa ni Bringas na ang apat ay matagal nang nasa order of battle ng PDEA.

Wilfredo Berganio

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?