Dalawang katao ang namatay, kabilang ang misis ng isang barangay chairman, makaraan silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa report batay sa impormasyon na nakalap ng Tungawan Municipal Police, nangyari ang insidente dakong 4:00 ng hapon nitong Biyernes sa Barangay Cayamcam sa Tungawan.

Namatay habang ginagamot sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital si Margarita Rupenta Banguanga, 53; habang sa pinangyarihan ng insidente naman nasawi si Jose Samosa.

Samantala, ligtas na ang lagay ni Carmelo Banguanga, 52, chairman ng Bgy. Cayamcam, na nasugatan sa pamamaril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Fer Taboy)