TARLAC CITY – Isang drug pusher ang naaresto sa isang buy-bust operation sa siyudad na ito kamakailan.

Sa pangunguna ni Insp. Randie Niegos at sa superbisyon ni Tarlac City Police chief Supt. Felix Verbo, Jr., naaresto sa buy-bust operation si Arcie Velasquez, 24, binata, ng nasabing lugar, na nahulihan ng isang transparent plastic sachet na may 0.186 gramo ng hinihinalang shabu at marked money.

Ang operasyon ay isinagawa sa Block 7, Bgy. Sto. Cristo, Tarlac City. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog