SAN JOSE CITY - Isang 15-anyos na estudyante ang nasawi matapos ma-suffocate at magtamo ng 4th degree burns makaraang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Crisanto Sanchez sa lungsod na ito, noong Lunes ng umaga.

Sa ulat ng San Jose City Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Brent Howard Sunico, 15, Grade 8 pupil, ng nasabing lugar, na natusta makaraang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na roon ito natutulog.

Wala umanong fire exit ang ikalawang palapag, at ang unang palapag ay ginawang computer shop na may 10 computer unit, na nadamay din sa sunog. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog