HANNOVER (CNN) — ”Serious plans for explosions” ang nagpuwersa ng evacuation ng stadium sa Hannover, Germany, noong = Martes ng gabi bago ang Netherlands-Germany friendly soccer match, sinabi ng police chief sa Lower Saxony region ng Germany.
Inihayag ni Chief Volker Kluwe na ang mga otoridad “had concrete intelligence that someone wanted to set off an explosive device inside the stadium.” Dahil sa dalawang tip ay napilitan ang mga opisyal na kanselahin ang Netherlands-Germany match halos 90 minuto bago ang pagsisimula nito.